-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Afghanistan.

Ang nasabing pagyanig ay naramdaman din sa Pakistan at maging sa bahagi ng India.

Ayon sa United States Geological Survey (USGS) nakita ang sentro ng lindol sa northeastern Afghanistan at may lalim ng 187 kilometro.

Agad namang nagtakbuhang palabas ng kanilang mga kabahayan ang mga residente sa lugar habang wala naman pinsalang naitala sa nasabing lindol.