-- Advertisements --
Nagkukumahog ngayon ang maraming mga Afghan na burahin ang kanilang mga digital history at biometric database matapos na sakupin ng Taliban ang bansa.
Ayon sa Human Rights First group na ilan sa mga posibleng maaring napasok na ng Taliban ay ang mga database na mayroong fingerprints at iris scans, kabilang ang facial recognition technology.
Dahil dito ay naglabas ang US-advocacy group ng Farsi-language version para turuan ang mga mamamayan ng Afghanistan kung paano burahin ang mga digital history.
Sinabi ni Welton Chang ang chief technology officer ng grupo na kapag hawak na ng mga Taliban ang data ng mga tao ay mahirap ng magtago at kanilang bubusisiin ang mga contacts at networks na pinuntahan ng isang indibidwal.