-- Advertisements --

AFP Spokesperson M/Gen. Restituto Padilla


Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 100 porsiyento silang sigurado na mga miyembro ng Maute ang narekober ng militar mula sa dalawang commercial buildings na naging stronghold ng teroristang grupo.

Ayon kay AFP Spokesperson M/Gen. Restituto Padilla, mula sa dalawang building narekober ang mga bangkay na nasa decomposition stage na.

Nasa 18 bangkay ang narekober ng mga sundalo sa isang gusali at apat na cadaver sa isa pang building.

Basehan ng militar na mga teroristang Maute ang mga narekober na bangkay ay dahil ang nasabing dalawang buildings ang siyang stronghold ng Maute Group at dito nagmumula ang heavy volume of fires noong kasagsagan pa ng sagupaan.

Dagdag pa ni Gen. Padilla na ang naturang mga gusali rin ang bomb making facility ng teroristang grupo kaya todo ang kanilang pagdepensa.

“Of these 22 cadavers 18 in one building and four in another building, the PNP Soco is now determining their identities and recoered also in the area are eight high powered firearms – two rpgs, four m16s, one m4 and one m14 and dozens and dozens of IED so this must have the place were these rebels have been manufacturing the IEDs that have been used in the remainign areas of enemy held territories,” pahayag ni Padilla.