-- Advertisements --
afp spox arevalo
M/Gen Edgard Arevalo, AFP spokesperson

Nilinaw ni AFP spokesman M/Gen. Edgard Arevalo na wala naman silang ginagawang preparasyon kaugnay sa nakatakdang paglaya ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton matapos na bigyan ng Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon.

Sa isang statement, sinabi ni Arevalo, nasa kamay kasi ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagkulong kay Pemberton kahit nasa loob ito ng Camp Aguinaldo sa AFP headquarters.

Paliwanag pa ng heneral, ang processing at actual release kay Pemberton ay nasa bahagi na ng BuCor.

Sa ngayon aniya, wala pa naman daw kahilingan ang naturang ahensiya upang umasiste rin ang AFP sa pag-release kay Pemberton.

“But while inside Camp Aguinaldo, we are ready to provide kung anong assistance ang iri-request ng BuCor hinggil sa pagrerelease nila kay LCpl Pemberton,” ani Gen. Arevalo “Sa ngayon, wala pa naman silang request sa AFP.”

Una nang sinabi ng DOJ na maaaring sa weekend ay makaalis na ng Pilipinas pabalik ng Amerika ang convicted US personnel na pumatay sa transgender woman na si Jennifer Laude.