Aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na limitado lamang ang kapabilidad ng mga otoridad sa bansa at iba pang ahensiya ng pamahalaan kaugnay sa pagtugon sa chemical attack.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na kahit mayroon tayong tinatawag na CBRN responders o a ang tinatawag na Chemical, Biological, Radiological and Nuclear response team na hindi pa ganoo ka advance ang kaalaman ng mga ito sa pagtugon sa nabanggit na sitwasyon.
Sinabi ni Padilla na sensitibo ang pagtugon sa chemical attack.
Pangunahin dito ang kailangang gawin ay i-isolate ang apektadong lugar ng sa gayon ay hindi na ito kumalat pa.
Aniya, sa ngayon ay okay pa naman ang taglay na kakayahan ng ating mga kinauukulan sa antas ng inisyal na pagkalat ng kemikal o leak.
Pero kung tumindi pa ito ay kailangan ng mapaghandaan at mapalakas ito.