-- Advertisements --
BATAAN AIR CRASH

Nagluluksa ngayon ang buong Armed Forces of the Philippines ang pagkamatay ng dalawang pilotong sakay ng bumagsak na eroplano ng Philippine Air Force.

Sa isang pahayag ay sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar na ikinalulungkot ng kanilang hukbo ang naturang insidente na nagmitsa sa buhay ng dalawang piloto na kinilala bilang sina Captain Ian Gerry C. Paulo at Captain John Paulo Oviso na kapwa servicemen ng Hukbong Pamhimpapawid.

Ngunit tiniyak naman niya na handang magpaabot ng kaukulang tulog ang AFP sa mga naulilang pamilya ng dalawang biktima.

Samantala, sa bukod naman na pahayag ay nagpaabot din ng taos pusong pakikiramay ang Department of National Defense (DND) sa mga naiwang pamilya ng dalawang piloto.

Sa ngayon ay grounded muna ang lahat ng SF260 aircraft ng Air Force habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon dito upang matukoy ang sanhi ng naturang insidente.