-- Advertisements --

Matagumpay na naisagawa ng maritime cooperative activity (MCA) ang Armed Forces of the Philippines at French Navy sa West Philippine Sea nitong araw ng Biyernes, Pebrero 21.

Sa isang statement, sinabi ng AFP na ang naturang aktibidad ay naglalayong mapahusay pa ang interoperability, communication, at defense capabilities sa pagitan ng 2 hukbong-dagat.

Kasama sa maritime cooperative activity ang mga asset ng Pilipinas na BRP Jose Rizal (FF150), BRP Gregorio del Pilar (PS15), C90 aircraft, dalawang FA50s, at Philippine Air Force Search and Rescue (SAR) units.

Sa French Navy naman, nakilahok ang Aircraft Carrier Charles De Gaulle (R91), Fregate Europeenne Multi-Mission Destroyer Provence (D652), Force Supply Vessel Jacques Chevallier (A725), Air Defense Destroyer Forbin (D620), at Aquitaine-class frigate Alsace (D656).

Kabilang sa mga serye ng drills na isinagawa ng PH at French Navy ay Communications Check Exercise (COMMEX), Division Tactics/Officer of the Watch (DIVTACS/OOW) maneuvers, Photo Exercise (PHOTOEX), Replenishment at Sea, personnel exchange sa pamamagitan ng rigid hull inflatable boats, Anti-submarine warfare exercises, at Dissimilar Aircraft Combat Training.

Ang pagsasanay na ito ay ang pangatlong magkakasunod na linggo ng joint maritime activities ng AFP sa WPS sa loob ng joint operational area ng Northern Luzon Command.

Ayon sa AFP, ang magkakasunod na MCA kasama ng ibang like-minded nations ay nagpapakita ng lumalawak na pagtuon ng pansin ng international sa maritime security sa WPS at naglalayong palakasin pa ang interoperability at kakayang pangdepensa sa mga kaalyado at partner na bansa.

Inihayag naman ni AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr. na sa pamamagitan ng joint maritime cooperative activities at collaborative efforts, layunin ng AFP na gawing mas malakas at mas matatag ang defense system na nakahanda para matugunan ang mga hamon ng modern security landscape.