Tinalakay ng Armed Forces of the Philippines kasama ang Japan Self-Defense Forces ang mga hakbang na gagawin sa hinaharap at mga oportunidad sa partnership ng 2 pwersa kasunod ng pag-hijack ng China Coast Guard personnel sa rotation at resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin shoal noong Hunyo 17.
Ito ay pinag-usapan sa pagitan nina AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at General Yoshihide Yoshida, Chief of Joint Staff ng Japan Self-Defense Forces.
- AFP nagawang i-challenge ang 4 Chinese warships matapos namataan sa Balabac Strait sa Palawan
- Kauna-unahang missile corvette ng PH, inilunsad sa SoKor
- PH, US, Japan at Canada, nagsanib-pwersa sa maritime activity sa WPS
Kapwa din nagpahayag ng pagkabahala ang 2 military officers sa kamakailang insidente sa West Philippine Sea.
Kaugnay nito, inihayag ni General Yoshida na patuloy na naninindigan ang JSDF sa panig ng AFP kayat papalalimin pa aniya ang kooperasyon ng kanilang bansa sa Pilipinas at like-minded countries.
Sa parte naman ni Gen. Brawner, pinasalamatan niya ang JSDF sa patuloy na suporta sa AFP at sa PH.
Ang Japan aniya ang isa sa pinakaunang bansa na nagbigay ng suporta sa pagkondena sa mga aksiyon ng China Coast Guard