Kinilala ng National Security Council ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines at National Bureau of Investigation matapos ang matagumpay na pagkakaaresto sa isang Chinese spy at dalawang Pilipino na sinasabing kasabwat nito.
Ang pagkakahuli sa mga ito ay resulta ng mahigpit na monitoring ng AFP at NBI sa mga nasabing suspect.
Una nang sinabi ng AFP at NBI na ang mga nahuling suspect ay nag-eespiya sa mga military facility at maging sa mga kritikal na imprastraktura sa bansa.
Ayon kay National Security Adviser Secretary Eduardo Año, nananatiling committed ang gobyerno sa pag-sugpo sa anumang uri ng pag-eespiya.
Tututukan rin ng pamahalaan ang mga gawaing maaaring magdulot ng takot sa mga mamamayan.
Kaugnay nito ay nanawagan ang NSC sa Kongreso na bigyan ng maipasa ang pag-amyenda sa Espionage Act kabilang na ang Countering Foreign Influence and Malign Influence Bill.