Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ginawang pagharang at pag water cannoned ng China Coast Guard sa isang sibilyan na barko na inarkila ng militar para magdala ng suplay sa mga sundalong naka station sa BRP Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar nakakabahala ang ginawang pagpapakita ng excessive force ng China Coast Guard laban sa mga barko ng Pilipinas.
Kinumpirma ni Aguilar na hinarang at na water cannoned ng CCG ang Chartered vessel kahapon August 5,2023 bandang alas-9:00 ng umaga.
Ayon kay Aguilar ang nasabing barko ay patungong Ayungin Shoal para sa isang routine troop rotation at resupply mission.
Hindi man lamang inisip ng Chinese coast guard ang peligro na dulot ng kanilang ginawa sa mga taong sakay sa nasabing barko.
Ang ginawa ng China ay malinaw na paglabag sa international law partikular ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa2016 Arbitral Award.
Sinabi ni Aguilar, dahil sa peligrosong maneuvers ng Chinese Coast Guard, hindi nagawang i unload ikalawang supply boat ang mga kargang supplies nito.
Nanawagan ang AFP sa China Coast Guard at sa Central Military Commission kumilos nang may pag-iingat at maging responsable sa kanilang mga aksyon upang maiwasan ang mga maling kalkulasyon at aksidente na magsasapanganib sa buhay ng mga tao.
Samantala, ” We ask that China Coast Guard, as an organization with a responsibility to observe state obligations under UNCLOS, COLREGs, and other relevant instruments of international maritime safety and security, to cease all illegal activities within the maritime zones of the Philippines,” ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, CG Commodore Jay Tarriela