Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard na pananatiliin nito ang presensya ng kanilang mga tropa sa Ayungin Shoal.
Ito ay upang ipakita ang ating karapatan ng bansa sa naturang pinag-aagawang karagatan.
Ginawa ng AFP at PCG ang pahayag matapos ang naging matagumpay na resupply mission para sa BRP Sierra Madre kamakailan.
Kung maaalala, nito lamang Linggo ay nagtungo ang kanilang resupply tean bitbit ang mga mahahalagang suplay para sa mga personnel na namamalagi sa BRP Sierra Madre.
Ilan rin sa mga tropa nakaistasyon sa naturang barko ay pinalitan na.
Siniguro naman ng AFP na nananatiling buo ang kanilang dedikasyon na panatiliin ay kapayapaan sa lugar at kanilang gagawin ng may pagmamahal sa Pilipinas ang kanilang mga mandato.