-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang terorista nang manlaban sa mga sundalo at pulis sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Nakilala ang nasawi na si Jazzer Nilong,alyas Kumander Khalid,Senior Leader at bomb expert ng Dawlah Islamiyah Terrorist ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central Commander, Major/General Juvymax Uy na naglunsad ng anti-terror operation ang pinagsanib na puwersa ng 7th Infantry Battalion Philippine Army at PNP-12 para arestuhin si Nilong sa Barangay Saliao Esperanza Sultan Kudarat.

Bigla umanong bumunot ng baril ang suspek kaya inunahan na ito ng mga sundalo at pulis.

Nagtamo ng maraming tama ng bala si Nilong kaya agad itong binawian ng buhay.

Narekober sa posisyon ng suspek ang isang kalibre.45 na pistola,mga sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED), isang 60 millimeter mortar projectile, rifle grenade, mga bala at magazine.

Ang suspek ay sangkot sa pambobomba sa General Santos City at pagpatay kay Police Captain Herman Gabat.

Nagpasalamat naman si MGen Uy sa mga sibilyan na nagpaabot ng impormasyon sa presensya ni Nilong sa bayan ng Esperanza Sultan Kudarat.

Sa ngayon ay naka-hightened alert ang militar at pulisya sa posibling paghihiganti ng mga kasamahan ni Nilong.