-- Advertisements --

BUTUAN CITY- Nanatiling alerto ngayon ang mga kasundaluhan at pulisya ng Surigao del Sur upang malinaw na ipagdiwang ang Araw ng Kagitingan ngayong araw.

Ayon kay PNP Provincial Director (PD) Col. James Goforth at 48IB Commander Lt. Col. Enrique Rafael na patuloy na binabantayan ng kanilang hanay para sa kung ano ang posibleng magaganap.

Ito ay upang matiyak na ang mga masasamang plano ng New People’s Army o NPA ng pag-atake ay hindi makakapasok sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.

Samantala, walang impormasyon na nakuha sa pwersa ng gobyerno na magsagawa ng mga kilos-protesta.

Maliban dito, mananatili ang pagbabantay ng kasundaluhan at pulisya para sa paparating na anibersaryo ng National Democratic Front o NDF sa Abril 24.