-- Advertisements --

Nagsagawa ng 2-day Maritime Cooperative Activity (MCA) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kasama ang United States Navy bilang bahagi ng kanilang bilateral acitivities sa West Philippine Sea (WPS) nitong Enero 17 hanggang 18 para ipakita ang kanilang malakas na ugnayan.

Tinawag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na isang ‘crucial element’ ang naging aktibidad lalo na para sa defense cooperation ng bansa sa US.

Sa pamamagitan aniya ng MCA ay magiging mas handa ang tropa ng militar ng bansa para sa mga maaaring kaharaping problema ng mga ito lalo na sa mga isyu sa WPS.

Ang naging MCA ay resulta din aniya ng kanilang mutual efforts at commitment na mas paigtingin ang pagprotekta sa national interests ng parehong mga bansa.

Sa hiwalay na pahayag naman ay tinawag ni Carrier Strike Group 1 (CSG-1) Commander Rear Adm. Michael Wosje na isang ‘collective commitment’ sa pagpapatibay sa kanilang regional at international na kooperasyon ang kanilang pagsuporta sa mas malaya na Indo-Pacific.

Sa pamamagitan din aniya nito ay makakabuo ng mas matatag na pondasyon at relasyon ang Pilipinas at US at patuloy na matututo sa isa’t isa.

Samantala, isang malakaing karangalan naman para sa US Navy ang naging bilateral activity na siyang paghahanda na rin sa patuloy na pagaligid ng monster ship ng Chinese Coast Guard (CCG) Vessels sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.