Nasa proseso pa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag validate sa ulat na may 25 lugar sa bansa na target ng hypersonic missile ng China.
Ayon kay AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner walang natatanggap na report ang militar hinggil sa ulat na nakuha ni Senator Imee Marcos.
Maging ang intelligence community ay walang nakuhang report ukol dito.
Gayunpaman sinabi ni Brawner na makikipag ugnayan sila sa tanggapan ng senadora para makakuha pa ng mga impormasyon ukol dito.
Una ng inihayag ng AFP na hindi nila minamaliit ang nasabing ulat, gayunpaman nakahanda ang militar na protektahan ang ating teritoryo at ang bansa.
“ As to the report that Sen. Imee Marcos mentioned about hte 25 targets, alleged targets, wala pa ho kaming nakikita na report to this effect na may 25 targets so hindi po talaga ako makakapagbigay ng comment tungkol dito dahil ako po mismo hindi ko nakita yung sinabing report na yan or even the locations of these 25 targets so Im sorry po,” pahayag ni Gen. Brawner.