-- Advertisements --

ARMY2

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na gagawin ng kaniyang administrasyon ang lahat para makahabol sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng mga delays dahil sa Covid-19 pandemic.

“Kung ano ‘yung schedule natin medyo naatras lang nang kaunti because of the pandemic. But now, we are proceeding back to our established schedule. Hopefully, we will catch up and, in a year, maybe two, we will already be back to where we were supposed to be at that time before the pandemic,” pahayag ng Pang. Marcos Jr.

Sinabi ng Pangulo na nakipag-usap siya sa mga commander ng AFP partikular sa Chief of Staff dahil sa pangangailangang tugunan ang kasalukuyang mga hamon na kinakaharap ng bansa.

Sinabi ng Pangulo na ang isa sa pinakamahalagang bagay ay ang pagsasanay sa mga miyembro ng pwersang panseguridad.

Ngayong taon magsisimula na ang Horizon 3.

Ito ang huling yugto ng modernization thrust na tatakbo simula sa taong ito hanggang 2028, at isasama ang pagkuha ng mga kagamitan na nakatuon para sa external defense.