-- Advertisements --

Binawi ngayon ng militar ang unang pahayag nito na kinasuhan na ang isang opisyal at limang enlisted personnel na nahuling nagnakaw sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner na kasalukuyang iniimbestigahan pa ngayon ang kaso ng limang sundalo at isang opisyal na nahuling nagnakaw sa Marawi nuong kasagsagan ng operasyon sa siyudad laban sa mga teroristang Maute.

Sinabi ni Brawner na nabanggit niya kanina na kinasuhan na ang anim na mga sundalo na pawang mga miyembro ng Philippine Army.

Paliwanag Brawner na kapag natapos na ang imbestigasyon at kung mapatunayang guilty ang mga ito ay saka sila kakasuhan.

“Let me correct my statement earlier, its still under investigation. I mentioned that they have been charged. I believed after the investigation will be found guilty, then they will be charged,” mensahe ni Brawner.