-- Advertisements --
Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatili silang propesyonal at tapat sa chain of command kasunod ng pagkakaaresto kay former President Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay Lt Gen. Roy Galido hepe ng Ph Army, ang role nila ngayon sa internal security ay suportahan ang Philippine National Police (PNP).
Tuloy-tuloy din daw ang pakikipag-ugnayan nila ngayon sa Pambansang Pulisya.
Tiniyak din ni Galido na walang usap-usapan ng kudeta o pag-aaklas sa hanay nila.
Ayon kay Galido, pag-aaksaya lang ito ng oras kung sakali.