Kinumpirma ni AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla na may nabuo ng shortlist ang board of generals na kanilang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang shortlist ay siyang magiging basehan ng pangulo para pumili sa magiging kapalit ni AFP chief of staff General Eduardo Año na itinalagang kalihim ng DILG ng pangulo.
Ayon kay Padilla hindi siya privy sa mga pangalan ng mga senior AFP generals na kabilang sa listahan at kung ilang pangalanan ang nasa listahan.
Aniya, kaninang umaga nag pulong ang board para talakayin kung sino-sino ang mga posibleng kandidato na siyang irerekomenda para maging susunod na AFP chief of staff.
“In view of the announced early retirement of Gen Ano the board of generals has already met to meet on the possible candidates who will be recommneded as the next chief of staff,” pahayag ni Padilla.
Sinabi nito na kapag nagpulong na ang board ay agad itong inaayos at binibigay kaagad kay Defense Sec. Delfin Lorenzana na siyang magsusumite kay Duterte.
“Pagka usually nagmeet sila, inaayos yun kaagad tapos binibigay kaagad sa secretary of national of defense for endorsement, so maaring today or tomorow,” wika ni Padilla.