-- Advertisements --
Isa nang ganap na four-star general si AFP chief of staff Andres Centino.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkabit sa balikat ni Centino sa ikaapat na “estrelya nito sa isang seremonya sa MalacaƱang.
Nobyembre 12, 2021, nang itinalaga ni Pangulong Duterte si Centino bilang ika-57 pinuno ng sandatahang lakas kapalit ng nagretirong si Gen. Jose Faustino Jr.
Si Centino ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Maringal Class of 1988 at magreretiro sa Pebrero 2023.
Maliban dito, natanggap na rin nina Philippine Army (PA) Commanding General Romeo Brawner Jr. at Philippine Air Force (PAF) Commanding General Connor Anthony Canlas Sr. ang kanilang ikatlong “estrelya” o pagiging lieutenant general.