-- Advertisements --

Tikom ang bibig ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año sa naging unang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na Chinese rifle ang nakapatay kay Abu Sayyaf group leader Isnilon Hapilon.

Ayon kay Año, ayaw niyang magkomento ukol dito, pero kaniyang kinumpirma na ginamit talaga ng AFP ang mga bigay na sniper rifles mula sa China sa kanilang operasyon sa Marawi laban sa mga teroristang Maute.

Pahayag din ng opisyal, ang mga ibinigay na sniper rifles ng China ay LR4A category na kahit hindi umano ito ang kanilang standard subalit napaka-epektibo raw nang nasabing armas.

“Huwag ko nang sagutin, pero ‘yung Chinese sniper rifles talagang ginamit natin ‘yan diyan sa Marawi, ginamit talaga natin ‘yung LR4A ang category. Kung hindi ako nagkakamali, LR4A category, not standard, very effective, ‘nung bumisita ako about 20 hits ang countdown ‘nung simulang ginamit,” paliwanag pa ni Año.

Tumanggi rin itong pangalanan kung sino ang nakapatay kay Hapilon dahil confidential umano ang nasabing impormasyon.