-- Advertisements --

Hinikayat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner ang mga natitirang miyembro ng CPP-NPA na magbalik loob sa gobyerno para simulan ang normal na buhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay makibahagi sa isinusulong na kapayapaan ng pamahalaan ng sa gayon umunlad ang mga komunidad.

Siniguro ni Brawner ang suporta ng AFP sa pakikipag tulungan ng ibang ahensiya para duon sa mga rebeldeng pinili na mamuhay ng normal sa pamamagitan ng mga integration program ng pamahalaan.

Ayon sa Chief of Staff mahalaga na magtulungan upang makamit ang pang matagalang kapayapan ng sa gayon magiging maunlad at progresibo ang ating bansa.

Nananatiling naka pokus ang AFP sa kanilang misyon na tuldukan ang dekadang problema sa insurgency.

Ipinagmalaki naman ni Brawner na dahil sa mga pinalakas na operasyon at whole of nation approach nagawa ng militar na pahinain ang kapabilidad ng komunistang grupo.

Sa kasalukuyan nahaharap a leadership vacuum ang liderato ng CPP-NPA.

Sa kabila nito nananatiling naka-alerto ang militar upang mapigilan ang anumang pag-atake ng komunistang grupo.