-- Advertisements --

Ibinahagi ni AFP Chief of Staff General Romeo S. Brawner, Jr. ang kanilang prayoridad para sa taong 2025.

Kabilang sa kanilang priorities ay ang patuloy na modernization ng armed forces; enhancement sa mga defense capabilities, at pagtatayo ng malakas na presensiya sa mga istratehikong lugar sa bansa.

Ginawa ni Brawner ang pahayag sa isinagawang annual joint traditional new year’s call.

”May we continue to forge a path of progress and achieve great things together for our beloved Philippines,” mensahe ni General Brawner.

Muling pinagtibay ni Brawner ang commitment ng AFP na protektahan ang teritoryo at depensahan ang ating bansa.

Binigyang-diin ng Pinuno ng Sandatahang lakas ng Pilipinas na palalakasin nito ang kanilang naval, aerial, ground at cyber capabilities na layong protektahan ang ating resources at maging ang teritoryo ng bansa.

Binigyang-diin ni Brawner ang lahat ng kanilang mga hakbang ay naaayon sa international law.

“We will enhance our naval, aerial, ground, air defense, and cyber capabilities to protect our resources and ensure the security of our waters, always adhering to international law,” pahayag ni General Brawner.

Kung maalala, tinapyasan ang pondo ng Defense Department sa ilalim ng 2025 national budget mula sa P50 billion ito ay naging P35 billion.

Sa kabila ng pagbawas ng kanilang budget, tuloy pa rin ang AFP modernization program para sa taong 2025 sa ilalim ng Horizon 3.