-- Advertisements --

Pinaghahanda ni Armed Forces of the Philippine chief General Romeo Brawner Jr ang kaniyang mga sundalo na maghanda.

Ito ay sakaling magkaroon ng pag-atake sa Taiwan matapos na maglunsad ang China ng military exercise sa paligid ng Taipei.

Sa kaniyang talumpati sa anibersaryo ng Northern Luzon Command (Nolcom) na inaasahan ang pag-rescue ng nasa 250,000 nga overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan.

Pangungunahan ng Nolcom ang nasabing operasyon sa pagligtas ng mga OFW.

Una ng kinumpirma ng China na naglunsad na sila ng army, navy, air at rocket forces at ito ay pinalibutan sa Taiwan kung saan nagsasanay sila para haraganan nang self-ruled na Isla.

Inihanda na rin ng Taiwan ang kanilang military assets at binabantayan ang military exercise ng China.