-- Advertisements --

Nagbigay ng standing order si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng huling insidente sa West Philippine sea na kung saan ay sinadyang banggain ng Chinese Coast Guard ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Ayon kay AFP Chief Gen Romeo Brawner, sinabi nitong ang kautusan ng Commander in Chief ay patuloy na manindigang walang dapat na makuha ni isang pulgada ang mga dayuhan sa teritoryong pag- aari ng Pilipinas.

Ito ang dahilan kaya tuloy- tuloy aniya ang presensiya ng kanilang puwersa sa lugar.

Binigyang diin ni Brawner na kung aalisan nila ang tropa sa West Philippine sea ay baka gumawa na naman ng artificial island ang China kaya kailangan talaga aniyang nandun ang puwersa ng militar.

Kaya pagtiyak ng AFP chief, tuloy ang legal na operasyon ng miltar sa lugar at nasa likod aniya Ng pamahalaan ang international law para ito ay gawin.

Siniguro naman ni Brawner na hindi nito hahayaan na humantong pa sa aksidente ang mga ginagawang agresibong aksiyon ng China.

” Of course hindi. Katulad ng mga ginagawa natin, tayo po basta legitimate yung operations na ginagawa at tuloy tuloy po yung ating mga operations,” pahayag ni Brawner.

Naniniwala naman si Brawner na ang pagpapakawala na naman ng flares ng Chinese aircraft ay isang escalation subalit hindi lang ito ginagawa sa Pilipinas ng China kundi maging sa ibang mga bansa gaya ng US at Australia.

Sinabi ni Brawner ang aksiyon ng China ay isang napaka delikadong maneuver lalo na kapag tumama ang flares sa airceaft.