-- Advertisements --

Bukas si AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay sa anumang bagong posisyon sa gobyerno na ialok sa kaniya ng Pang. Rodrigo Duterte sa sandaling mag retiro na siya sa serbisyo.


Si Gapay ay nakatakdang magretiro sa serbisyo sa February 4,2021.

Sinabi ni Gapay nais pa rin niyang makatulong sa bansa kahit retired na siya sa pagiging sundalo.

Ayon sa chief of staff, hindi siya tatanggi sa alok na posisyon kahit pa hindi ito ang kaniyang expertise.

Nilinaw din nito na sa sandaling magretiro na siya sa serbisyo, hihingi muna siya ng tatlong buwang pahinga bago tanggapin ang panibagong pwesto sa gobyerno.

Sa ngayon kasi, halos lahat ng mga retired generals ang nakapwesto sa gabinete ng Pang. Rodrigo Duterte.

Ang pahayag ni Gapay ay reaksiyon sa tanong ng mga media hinggil sa appointment ng mga retired generals sa ibat-ibang government post kahit hindi kanilang mga expertise.