-- Advertisements --

us1

Nakibahagi si AFP chief of staff General Andres Centino sa isinagawang virtual Chiefs of Defense Meeting.


Pinangunahan ng US INDO-PACIFIC Command ang nasabing pulong na dinaluhan ng 24 na top at senior military leaders mula sa 24 na mga bansa.

Tinalakay ni Centino sa pulong ang ‘strategic priorities’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong 2022.

Habang binigyang-diin ni US INDO-PACIFIC Command chief Admiral John Aquilino ang pakikipagtulungan nila sa mga kaalyadong bansa upang matiyak ang isang bukas at inklusibong rehiyon sa kabila ng mga kinakaharap na hamon.

Nabatid na ang aktibidad ay pagpapatuloy ng Chiefs of Defense meeting na ginawa noong Agosto 2021 sa Honolulu, Hawaii.