Minaliit ni AFP Chief Lt. Gen. Benjamin Madrigal ang apat na magkakasunod na pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga police at military outposts sa Bicol noong Lunes ng gabi.
Ayon kay Madrigal, kanilang itinuturing lang na “harassment” ang ginawa ng NPA sa Magallanes Municipal Police Station, at sa 1st Provincial Mobile Force Company, kapwa sa Sorsogon, at Regional Mobile Force Battalion sa Bula, Camarines Sur, at pati na rin sa Citizen’s Active Auxillary detachment ng Philippine Army.
Paliwanag ni Madrigal, kabisado na raw nila ang istilo ng NPA na magpapaputok lang ng ilang ulit malapit sa kampo sabay tatakas, para lang masabi na inatake nila ang kampo ng pulis o sundalo.
Sinabi ni Madrigal na maaaring “compliance†lang aniya ito o pagtalima sa utos ng kanilang liderato na magsagawa ng pag-atake kaugnay ng kanilang nalalapit na anibersaryo.
Gayunpaman, sinabi ni Madrigal na naka-alerto pa rin ang AFP sa possibilidad na ito ay “diversionary tactic†para sa mas malaking pag-atake sa ibang lugar.
Pinaigting na aniya ng AFP ang kanilang koordinasyon sa PNP para sa paglulunsad ng pro-active measures laban sa harassment activities ng NPA.