Hindi pa makumpirma ni AFP Chief-of-Staff General Eduardo Año kung patay na nga ang Basilan based Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon na napabalitang nasugatan sa engkwentro noong buwan ng Pebrero sa Maguindanao.
Batay kasi sa report ng militar na matindi ang tinamong sugat ni Hapilon sa nasabing engkwentro.
Una rito inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na patay na si Hapilon batay sa impormasyon na nakuha ng pangulo.
Ayon kay Año, wala pang kumpirmasyon mula sa kanilang field units na patay na ang nasabing ASG leader at patuloy nila itong bina-validate.
Aminado ang AFP chief of staff na may kumakalalat na report na patay na nga si Hapilon.
“There are raw reports but we still have no confirmation that Hapilon is really dead. Operations against his group will continue in Lanao provinces and Basilan,” pahayag ni Ano.
Inihayag ni Año na sa kanilang latest information na apat na miyembro ng Abu Sayyaf ang nagbabantay kay Hapilon kung saan palipat lipat ang mga ito ng lugar sa kabundukan ng Butig.
Sa kabilang dako itinanggi naman ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla ang nasabing ulat.
“We have no info as of this date this is why the President said “supposes.” We will continue ongoing efforts to ascertain this,” mensahe na ipinadala ni Padilla.