-- Advertisements --
AFP CHIEF Benjamin Madrigal
General Madrigal

Dismayado si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal sa naging asal ng China sa hindi pag respesto nito sa teritoryo ng Pilipinas.

Ito’y matapos naglayag ang limang warship ng Chinese sa may bahagi ng Sibutu at Balabac Straits sa Tawi-Tawi ng walang paalam at pinatay pa ang Automatic Identification System (AIS).

Ayon kay Madrigal ang ginawa ng mga Chinese ay malinaw na banta sa seguridad ng isang bansa.

Aniya, mas mabuting magkaroon ng magandang koordinasyon ng sa gayon maiwasan ang anumang mga unnecessary confrontations.

Bukod dito, hindi ito dapat ang maging asal ng China na may magandang diplomatic relations sa Pilipinas.

Hindi lamang problema sa insurgency, violent extremism ang tinututukan ng AFP kundi ang pagbabantay at pag protekta sa maritime borders ng bansa.

Sa katunayan may mga hakbang ng ginagawa ngayon ang militar para mapanatili ang tinatawag na freedom of navigation na malaking tulong sa kalakal ng bawat bansa.

Giit ni Madrigal, tuloy-tuloy naman aniya ang ginagawa nilang pag-uulat sa Pangulo sa tuwing may namomonitor ang AFP ng mga ganitong insidente.