-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ni AFP chief of staff General Eduardo Año, na nagawang ma-neutralize na ng mga sundalo sa Sulu ang tinaguriang notorious na ASG sub-leader na si Alhabsy Misaya sa isinagawang operasyon ng militar kagabi sa Indanan, Sulu.

Sinasabing mga miyembro ng Philippine Marines ang nakapatay kay Misaya kagabi habang nagsasagawa ng focused military operations.

Sa ngayon limitado pa ang mga detalye na ibinibigay ng militar hinggil sa pagkamatay ni Abu Misaya dahil may ongoing follow up operations pang isinasagawa ang mga sundalo sa Sulu.

Si Misaya ay Sulu-based ASG sub-leader at residente ng Barangay Bunot, Indanan, Sulu.

Siya ay may standing warrant of arrest for kidnapping and serious illegal detention with ransom.

Bukod sa pagiging notorious kidnapper, si Misaya ay eksperto rin sa paggawa ng bomba.

Sangkot siya sa Malagutay bombing sa Zamboanga City noong taong 2002 na ikinasawi ng isang US serviceman si Sgt. Marck Jackson habang nasa 23 ang sugatan, pambobomba sa Salaam bridge sa Indanan at sa iba pang insidente ng pagsabog sa Sulu.