Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo sa COVID-19 si AFP chief of staff Gen. Felimon Santos Jr.
Kahapon daw inilabas ang resulta ng test ni Santos.
Dahil dito, epektibo ngayong araw ay naka-self quarantine na muna maging si Lorenzana.
Sinabi ng kalihim, may dalawang pagkakataon kasi na nagkasama sila ni Gen. Santos.
Una raw noong March 21, 2020 sa Villamor Air Base sa Pasay City kung saan may turnover ng mga donasyong medical supplies.
Sumunod nitong March 22, 2020 kung saan nagkita rin sila ni Santos sa Heroes Hall sa Malacanang.
Sinabi ng kalihim, wala namang siyang nararamdamang sintomas ng COVID-19, pero bilang pagsunod sa protocol magsi-self quarantine sya ng 14 na araw.
“Good morning, everyone. I shall be on self quarantine effective today. This morning I was informed by CSAFP Gen Santos that he tested positive of the COVID19 – the result he got yesterday. I had close proximity with him on 2 ocassions: in VAB during the turn over of medical supplies to me last sunday p.m, 21 Mar, and again last Monday afternoon 22 March, here in GHQ and at the Heroes Hall, Malacañang. I have no symptoms but protocol says I have to self-quarantine for 14 days,” mensahe pa ni Lorenzana.