Ikinatuwa ni AFP chief Gen. Carlito Galvez ang balita kaugnay sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa third and final reading ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ni Galvez, sa sandaling maipapatupad na ang BBL, mas magkakaroon ng “more cooperative engagement” ang militar sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ayon kay AFP chief, ang BBL ang siya umanong tugon din sa problema sa terorismo sa Mindanao.
Aniya, hindi lang ang mga Muslim sa Mindanao ang makikinabang sa BBL kundi maging ang mga lumad at kristiyano.
Aminado naman si Galvez na malaking hamon sa militar ang implementasyon o pagpapatupad ng nasabing batas.
Inihayag din ng heneral na magkakaroon din ng pagbabago sa military set-up sa mga lugar na isailalim sa BBL kung saan magkakaroon ng reorganization dahil magkakaroon na ng joint peace and security teams.
Tiniyak naman nito na kontrolado pa rin ng AFP leadership ang mga sundalong madedestino sa Bangsamoro region.
“Yes definitely magkakaroon tayo ng tinatawag na reorganization kasi meron tayong tinatawag na JPST, ‘yung tinatawag na joint peace and security teams, so we will have some joint organizations with the MILF so that yung transition for future normalization will,” pahayag ni Galvez.