-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ngayon ng AFP Provost Martial si Solcom chief at NTF ELCAC Spokesperson Lt Gen. Antonio Parlade kaugnay sa mga naging pahayag nito sa isang mamamahayag.


Ayon kay AFP Chief of Staff Lt.Gen. Cirilito Sobejana, ang imbestigasyon ng AFP ay kasunod sa naging kautusan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sinabi ni Sobejana nais niyang malaman ang kung parte ba ng strategic communication plan ng NTF ELCAC ang naging pahayag ni Lt.Gen. Parlade.


Paliwanag ni Chief of staff na ang AFP ay nasa ilalim ng NTF ELCAC kahat mahalaga na malaman nila kung may basbas ng komite ang mga naging pahayag ni Parlade.

Sinang-ayunan naman ni Sobejana ang naging pahayag ni Parlade na mali ang isinulat ng reporter kaugnay sa pag torture ng militar sa mga Aeta sa Zambales.

Gayunpaman inihayag ni Sobejana na dapat din patunayan ni Parlade ang kaniyang bintang na propagandist at supporter ng terorista ang nasabing reporter habang dapat din patunayan ng reporter na mali ang mga sinasabi ni Parlade tungkol sa kaniya.

Gayunpaman hinimok ni Sobejana na dapat mag-usap nalang si Parlade at ang nasabing reporter.

Sa kabilang dako, humingi ng paumanhin si NTF ELCAC Lt Gen. Antonio Parlade sa reporter na si Tetch Tupas dahil hindi nito sadyang saktan ang damdamin ng reporter.

Pero nanindigan si Parlade na hindi siya mag apologized sa naging pahayag nito laban sa reporter ng tawagin niya itong propagandist at aiding for terrorist dahil mayruon silang basehan.

Sa kabilang dako, ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ipinauubaya na nila sa Department of Justice kung sasampahan ng kaso ang NUPL.

Ngayong araw nagpulong sina Secretary Lorenzana at Lt Gen. Parlade.

Tumanggi naman ang kalihim sabihin kung ano ang kanilang napag-usapan ng kontrobersiyal na heneral.