-- Advertisements --

Iniutos ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Romeo Brawner ang pagsusuot ng Philippine flag patch sa lahat ng military battle uniform ng mga sundalo.

Ayon kay Gen. Brawner, regular nang isusuot ang flag patch, na dati ay ginagamit lamang kung lalabas ng bansa ang mga sundalo o kaya ay lalahok sa Balikatan Exercises.

Sinabi ni Brawner layon ng nasabing inisyatiba na ipakita ang patriotism at solidarity bilang paalala sa commitment ng AFP na panatilihin ang sovereign rights at territorial integrity ng Pilipinas.

Ang pahayag na ito ay sumasalamin din sa hakbang ng AFP na magbigay ng malinaw na representasyon sa pagtupad ng kanilanh mission na may karangalan.