Isusulong ni AFP chief of Staff Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero na magkaroon ng “active border cooperation” sa mga bansang Indonesia at Malaysia para labanan ang transnational crimes.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Colonel Edgard Arevalo, nais ni Gen. Guerrero na dagdagan pa ang “coordinated patrols” sa kanilang military counterparts sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
“The Command Guidance outlines the Chief of Staff’s courses of action and orders for the line units and offices to follow to ensure that the AFP remains on track on its short- and
long-term goals,†mensahe ni Col. Arevalo.
Paliwanag ni Arevalo, nais ni chief of staff na palakasin pa ang border security sa dalawang bansa sa pamamagitan ng Trilateral Cooperation Arrangement na pinirmahan nuong buwan ng Hunyo na naglalayon para tuldukan ang kidnapping, trafficking, at transit of terror personalities sa bahagi ng Sulu Sea.
Tiniyak naman ni Gen. Guerrero na kanilang palakasin pa ang coordinated patrols sa kanilang ASEAN counterparts.
“We will also increase the frequency of our coordinated patrols with our ASEAN counterparts in order to prevent the use of our common maritime borders for illegal activities,†wika ni Lt. Gen. Guerrero.
Binigyang-diin ni Guerrero, hangad nila na ma-improve ang international security engagements at sana mabigyan ng katuparan ang pag activate ng International Military Affairs Center.