-- Advertisements --

Kinumpirma na ni AFP chief of staff General Eduardo  Año  na kabilang sa anim na napatay si Abu Sayyaf group (ASG) sub-leader Muammar Askali alias Abu Rami matapos ang nangyaring engkwentro kahapon sa Inabanga, Bohol.

Ayon kay Año ito ay batay sa nakuha nilang report sa ground na kabilang si Abu Rami sa mga bandidong napatay sa labanan.

“Yes, Abu Rahmi is among those Abu Sayyaf killed in Bohol operation, 6 killed among the enemies, our troops recovered another body on the site of encounter,” pahayag pa ni Gen.  Año.

Sinabi ng heneral, ang pagkakapatay kay Abu Rami ay malaking epekto sa teroristang grupo.

Si Abu Rami ay wanted din sa pagdukot sa Samal Island at pagpugot sa ulo sa Canadian national na kanilang binihag.

Aniya, dapat na mag-isip ngayon ang Abu Sayyaf kung magsasagawa sila ng karahasan.

Giif ng chief of staff, nakahanda ang militar sa anumang mga insidente ngayon.

Kinilala din ni Año ang kabayanihan ng tatlong sundalo kabilang ang isang junior officer na si 2Lt. Estelito Saldua at isang pulis na nasawi rin sa engkwentro.

Sinabi pa ni Año, ongoing pa rin ang opensiba ng militar laban sa iba pang miyembro ng ASG kasama ni Abu Rami.

Ikinokonsidera ng AFP na “major blow” sa operasyon ng mga bandido ang pagkakapatay kay Abu Rami.