Nasa higit 200 indibidwal ang target na maaresto ng militar at pulisya na sangkot sa Marawi siege.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Eduardo Año, may listahan na sila ng naturang daan-daang mga indibidwal na target ngayon arestuhin.
Sinabi ni Año na ang mga pangalanan na nasa listahan ay kombinasyon ng mga politicians, barangay officials, at private citizens.
No comment naman si Gen. Año kung ilan sa mga pangalan na kabilang sa listahan na may arrest order ay incumbent government officials.
Sa ngayon may mga hakbang ng ginagawa para mahuli ang mga indibidwal na nasa listahan na may arrest order.
Inihayag din ng chief of staff na sa nasabing listahan kabilang na dito ang mga wanted Maute terrorist at maging ang kanilang mga sympathizers.