Kumbinsido ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si ASG sub-leader Muammar Askali alias Abu Rami ang isa sa anim na bandidong Abu Sayyaf ang nasawi sa enkwentro kahapon sa Bohol laban sa mga pwersa ng pamahalaan.
Sinabi ni AFP chief of staff General Eduardo Año na may mga sources sila sa loob na nagkumpirma na si Abu Rami nga ang napatay ng mga sundalo kabilang na dito ang mga dating miyembro ng teroristang grupo.
Inihayag ni Año na kanila din kinumpara ang ilang mga larawan ni Muammar sa napatay na bandido at 99 percent ito hawig na hawig.
Aniya, sa mga indibidwal na hindi naniniwala na si Abu Rami ang napatay ng militar ay kanila itong opinyon.
Giit nito na sa panig ng militar matindi ang kanilang ginawang cross check examination para makumpirma lang na ang napatay na bandido ay ang ASG sub-leader na si Muammar Askali.
Kinumpirma ni Anio na mayroong local contacts sa Bohol ang bandidong grupo na natukoy na mga Balik Islam.
Aniya ay may ongoing follow up operations ngayon ang militar ukol dito bagamat nakatakas na rin ang nasabing local contact nina Abu Rami.