Kontento umano si AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay sa resulta ng pagdinig ng senado tungkol sa isyu ng umano’y red-tagging ng militar sa mga progresibong grupong.
Ayon kay Gapay, malinaw sa mga testimonya ng mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF na humarap sa Senado na may patuloy na pagtatangka ang kilusang komunista na linlangin umano ang publiko upang maka-recruit ng mga bagong miyembro at isulong ang kanilang propaganda.
Ayon sa AFP chief ang pagdinig ay naging magandang pagkakataon para kontrahin ang propaganda ng mga komunista sa pamamagitan ng pag-expose sa mga kasinungalingang pinapalaganap daw ng CPP-NPA-NDF.
Sa panig naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, sinabi nito na ang CPP-NPA-NDF ay nagpapanggap lang bilang mga patriots, freedom fighters, at human right advocates,para pagsamantalahan ang mga tinaguriang vulnerable sector.
Pinatotohanan naman ng mga humarap na testigo na dating mga mag-aaral sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UP at Polytechnic University of the Philippines, bago na na-recruit ng NPA.
Isinalaysay nila sa pagdinig ang kanilang karanasan sa pakikipagugnayan ng mga legal na organisasyon tulad ng League of Filipino students, Gabriela at Kabataan Partylist sa kilusang komunista.
Pinasinungalingan naman ng mga tumestigo na walang “red-tagging” na ginawa ang militar dahil totoong kaalyado ng kilusang komunista ang mga nabanggit na grupo.