Aminado si AFP chief of staff General Eduardo Ano na may natanggap siyang report na nakakapasok pa rin ang ilang mga kontrabando na pag-aari ng mga high profile inmates na nakakulong ngayon sa AFP Custodial Center sa Kampo Aguinaldo.
Sa panayam kay Gen. Ano kaniyang sinabi na iniulat sa kaniya ng mga sundalo na nagsasagawa ng inspection na nakapagpasok ng aircon,TV at lahat ng bawal sa loob ng kulungan.
Ang mga nakakulong sa AFP Custodial Center ay mga high profile inmates na nag-testify kaugnay sa illegal drug trade sa NBP.
Mga miyembro ng PNP-SAF ang nagbabantay sa mga high profile inmates habang ang Bureau of Corrections (BuCor) ang nagma-manage sa mga ito.
Idinepensa naman ni General Ano ang mga SAF troopers na nagbabantay sa AFP Custodial Center.
Aniya ginawa naman ng mga ito ang kanilang trabaho na bantayan ang mga inmates para hindi makatakas.
Giit ng chief of staff na ang BuCor ang in-charge sa pag-manage ng AFP Custodial Center.
Sila din ang nagpapatakbo at nagpapatupad ng rules and regulations.
“In fairness to the SAF, their job is to guard and to ensure that they cannot escape. So in fairness to them wala silang kinalaman kung ano man ‘yung mga pumapasok kasi ang mandate, ang order nila ay siguraduhing hindi makatakas,” pahayag ni Gen. Ano.