-- Advertisements --

Muling iginiit ni AFP chief of staff General Eduardo Año na panahon na para ibalilk ang mandatory ROTC sa mga eskwelahan ng sa gayon ang mga kabataan ay mahubog sa pagkaroon ng sense of patriotism at pagmamahal sa bansa.

Sinabi ni Gen. Año na ang mandatory ROTC program ay lalong palalakasin ang national security dahil mag te-trained ng mga kalalakihan at kababaihan na pwedeng dumepensa sa ating bansa lalo na sa panahon ng giyera at crisis.

Malaking tulong din ang mga kabataan sa pag responde sa mga disaster, relief and rescue operations at sa pag-assist sa socio-economic development.

Nais kasi ni President Rodrigo Duterte na palakasin ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Program, Corps Commanders and Senior Reservist Commanders sa buong bansa.

Ginawa ni Año ang pahayag sa isinagawang national summit para talakayin ang restoration ng Mandatory ROTC, na ginanap ngayong araw sa AFP Commissioned Officers Club sa Kampo Aguinaldo.

Nasa 300 participants ang dumalo sa isinagawang ROTC Corps Commanders’ Summit and Senior Reservist Commanders’ Conference kung saan si Gen. Año ang Guest of Honor and Speaker.

Ang nasabing aktibidad ay kasunod sa pag apruba ni Pangulong Duterte sa proposed restoration ng mandatory ROTC sa Grades 11 at 12 sa bansa sa lahat ng public at private schools.