-- Advertisements --

Nanawagan si AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay ng pagkakaisa upang kontrahin ang pagrerecruit ng NPA sa mga kabataan sa pamamagitan ng mga progressibong grupo.

Ang pahayag ni Gapay ay matapos ang pangatlong Senate Hearing kahapon kung saan nagbigay ng testimonya ang mga dating rebelde na na-recruit ng NPA mula sa mga itinuturing na front organizations tulad ng Bayan Muna, Gabriela, Kabataan, at Anakpawis.

Ayon kay Gapay, malinaw sa pahayag ng mga dating miyembro ng NPA na ang mga progressibong grupo na kabilang sa tinaguraiang Makabayan Block ang pinag-uumpisahan ng mga NPA fighters.

Kabilang sa mga huling nagbigay ng testimonya ay Lolit De Jesus, dating kalihim ng Kadamay, na inatasang umano ng NPA sa pamamagitan ng Gabriela na bumuo ng mga grupo mula sa uban poor para mang-agaw ng mga bahay.

Isinalaysay din ng Isang dating cadre ng CPP-NPA na si Ivy Lyn Corpin na naging Secretary ng kanilang committee sa Manila ang isang propesor ng UP na miyembro ng Alliance of Concerned Teachers.

Isa namang katutubo na estudyante ng Tribal Filipino Program ng Surigao Del Sur ang tumestigo kung paano sila isinasama sa mga rally ng Bayan, Bayan Muna, Anakpawis, Katribu, Anakbayan, at Gabriela, bago siya tuluyang sumali Sa NPA sa edad na dose años.

Sinabi naman ni Gen. Gapay na ngayong hindi na maipagkakaila ang koneksyon ng mga progresibong grupo sa NPA na wakasan na ang panlilinlang at karahasan ng komunistang grupo.