Ipinanawagan ni AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay ang patuloy na pagkakaisa at pagtitiwala sa isa’t isa ng mga sandatahang lakas sa timog Silangang Asya.
Ang panawagan ni GApay ay ginawa sa isinagawang 17th ASEAN Chiefs of Defense Forces Meeting (ACDFM).
Sinabi na Gapay na sa panahong nahaharap ang buong mundo sa banta ng Covid 19, ay mas kailangang magsama-sama ang mga bansang ASEAN upang labanan ang pandemya.
Mahalaga aniya ang papel ng militar sa panahong ito dahil ang mga sundalo ang inaasahan ng mga pamahalaan bilang pansuporta sa mga hakbang kontra sa pagkalat sakit.
Dahil sa pandemya, ang ACDFM ay isinagawa sa pamamagitan ng virtual conference na pinangunahan ni Vietnam People’s Army Chief of General Staff, Senior Lieutenant General Phan Van Giang, na siyang chairman para sa taong ito.
Kasamang lumahok sa virtual confernce ang mga Chiefs of Defense Forces ng Brunei Darussalam, Kingdom of Cambodia, Republic of Indonesia, Lao People’s Democratic Republic, Malaysia, Republic of the Union of Myanmar, Republic of Singapore, at Kingdom of Thailand.