Nilinaw ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay na hindi niya sinasabi na nagtuturo ng radikalismo o nagkakalat ng terrorismo ang mga Madrasah o muslim schools.
Ayon kay Gen. Gapay, nais lamang niyang sabihin sa kanyang unang pahayag na babantayan ng militar ang mga Madrasah schools, dahil maaring may mga indibidwal na nais I-infiltrate ang mga paaralang ito upang makapaghasik ng terrorismo.
Ginawa ni Gapay ang paglilinaw dahil maaring nakasakit siya ng damdamin ng mga Muslim leaders, brothers at sisters sa kanyang unang pahayag, na hndi niya intensyon.
Nais lang aniya ng AFP na protektahan ang mga paaralan na vulnerable sector mula sa radikalisasyon.
Nag “reach out” na rin si Gen. Gapay sa mga muslim leaders na makipagdialogo sa AFP dahil iisa lang aniya ang kanilang hangarin na mapanatiling ligtas ang bansa mula sa terrorismo.
Nanawagan din si Gapay sa lahat ng mga school administrators, at ahensya ng gubyerno tulad DepEd, DSWD, at NHA na makipagkaisa sa AFP sa pagtugon sa mga isyu na maaring i-exploit ng mga terrorist recruiters para I-radicalize ang mga mag-aaral.