-- Advertisements --

Nilinaw ni AFP Chief of Staff Gen. Felimon Santos na walang specific target na grupo o idibidwal ang Anti-terrorism Bill (ATB).


Ito ang binigyang-diin ni Santos, kasabay ng pagsabi na ang sinuman na gumawa ng mga aksyon na pasok sa depinisyon ng terrorismo ay mananagot sa ilalim ng batas.

Una nang sinabi ni Phil. Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay na ang panukalang batas ay pangontra sa mga local terrorist groups, partikular na ang mga ISIS-inspired groups at mga extremists.

Pero pasok din aniya ang NPA sa mga itinuturing na terrorista dahil sa ginagawa nilang pagpatay ng mga inosenteng sibilyan, pang-aambush ng mga tauhan ng gobyerno, at pambobomba gamit ang mga IED.

Sinabi ni Gapay na malaki ang maitutulong ng Anti-terrorism Bill para maputol ang financial at logistic support ng NPA.