-- Advertisements --

Pinaghahanda ng Armed Forces of the Philippines ang Northern Luzon Command para sa nalalapit na Balikatan Exercises na nakatakdang magsimula sa Abril-21.

Ayon kay AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr, karamihan sa mga aktibidad na nakahanay sa Balikatan ay isasagawa sa operational area ng NolCom.

Kailangan aniyang maging handa ang mga sundalo sa mga serye ng training at simulation, lalo na at nakatakdang isagawa ang full-battle test na nakatakdang daluhan ng libu-libong mga sundalo.

Sa ilalim nito, susubukan ng AFP ang mga nabuo nitong plan, doctrina, procedure, at iba pang nakapaloob sa battle preparedness ng plan ng bansa, na una nang binuo at pinagplanuhan sa mga nakalipas na taon.

Tutukuyin dito aniya kung epektibo ang mga istratehiyo, at aaralin kung ano pa ang maaaring idagdag o ipasok na konsepto.

Batay sa schedule na inilabas ng Combined Joint Information Bureau para sa Balikatan Exercises 2025(BK40-2025), ilan sa mga aktibidad na nakatakdang ganapin sa area of operation ng NolCom ay ang mga sumusunod:

Integrated Air and Missile Defense – Naval Education Training and Doctrine Command (NETDC) na gaganapin sa Zambales; Maritime Key Terrain Security Operations (MKTSO) na gaganapin sa Cagayan at Batanes Islands; Counter-Landing Live Fire na gaganapin sa Aparri, Cagayan, atbpa.

Magtatagal ang Balikatan 2025 hanggang sa Mayo-9, 2025.

Ito na ang ika-40 pagkakataon na isasagawa ang Balikatan, ang taunang military drill na dinadaluhan ng mga sundalo ng US at Pilipinas.