-- Advertisements --

Ipinag-utos ni AFP chief of staff Gen. Felimon Santos sa AFP Health Services Command na magpatupad ng preventive measures para matiyak na ang mga kampo ng militar ay hindi kumalat ang COVID-19 virus.

Ito ay kasunod ng pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of public health emergency.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo bukod sa mga ipatutupad na contingency measures may moratorium na rin sa mga AFP personnel na bumiyahe abroad pwera na lamang kung ito ay kinakailangan.

Siniguro ni Arevalo na “pro-active” ang AFP sa deklarasyon ng Pangulo, at nagpatupad na ng ilang mga contingency measures para maiwasan ang pagkahawa ng mga sundalo sa COVID-19.

Kabilang sa mga ito ang “body temperature checking” bago pumasok sa mga malalaking kampo ng militar, pagtatatag ng COVID “testing center” sa AFP Medical Center.

Hinimok naman ni chief of staff ang mga military personnel at civilian employees ng AFP na maging metikuloso sa kanilang “personal hygiene” para makaiwas sa posibleng panghahawa sa kanilang mga kasama sa trabaho.

Pinaghahanda na rin aniya ng AFP ang posibilidad na pakilusin ang militar sa paglaban sa COVID bilang bahagi ng “whole of nation approach” kontra sa pandaigdigang banta ng sakit.