Pinuri ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Carlito Galvez ang naging papel ng Philippine Air Force (PAF) warriors na tumulong sa pakikipaglaban sa mga Daesh-ISIS terrorist group hanggang sa ma- liberate ang Marawi.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng air power sa mga kalaban na terorista.
Ramdam ng mga tropa 24/7 ang presensiya ng mga airmen na walang humpay sa paglipad ng lahat ng mga air assets ng PAF.
Nasa 1,000 mga Air Force personnel ang nakiisa sa limang buwan na pakikipaglaban ng militar laban sa mga Maute-ISIS terrorists.
Giit ni Galvez, hanga siya sa katapangan na ipinakita ng mga Air warriors na nagpapalipad ng fighter jets sa araw at gabi para bigyan lamang ng suporta ang mga ground troops.
Aniya, kung hindi magaling, focused at hardworking ang mga piloto, air crew at air controllers posibleng mas maraming casualties matatamo sa hanay ng gobyerno.
Sa 1,500 na mga sundalo na nasugatan sa giyera nasa mahigit 160 lamang ang nasawi.
Ayon kay Galvez sa mga Air warriors na ang dagundong ng mga FA-50 fighter jets ay tunog ng tagumpay.
Ginawa ni Galvez ang pagkilala sa isinagawang pagdiriwang na Marawi Air Campaign na ginanap sa Edwin Andrews Air Base sa Zamboanga City kaninang umaga.