-- Advertisements --

Binisita ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Ano ang mga tropa sa Marawi City kung saan nagpapatuloy pa rin ang operasyon laban sa mga teroristang Maute.

Sa pagtungo ni chief of staff sa Marawi, kinausap nito ang mga sundalo para bigyan ng inspirasyon ang mga sundalong patuloy na nakikipaglaban sa mga teroristang Maute.

Ayon kay Gen. Ano imbes na siya magbigay ng inspirasyon kabaliktaran ang nangyari kung saan siya at ang mga kasamahan niyang mga opisyal ng AFP ang na inspired ng mga sundalo.

Sinabi ni Ano na ang nakita niyang paghihirap ng mga sundalo sa pakikipaglaban sa mga terorista at hindi masusukat na sakripisyo na kanilang inalay para sa bayan.

Mensahe ni Ano sa mga sundalo na panatilihin ang kanilang pokus sa trabaho, manatiling ligtas at buhay.

Tiniyak naman ni Ano ang suporta sa mga sundalo sa kanilang pakikipaglaban.

” Stay focused on your mission. Stay alive.Keep safe.It will not be too loong before we accomplish your task. You can count on the support of your headquarters and the abiding prayers of our nation,” wika ni Ano.

Binigyan din ng security briefing ng mga ground commanders si Ano sa kung papaano ng mga ito ipapatupad ang kanilang sinasabing final blow laban mga teroristang Maute.